Sabi ng karamihan “Love is a many splendored thing” – Yes! there are many wonderful things about love and being in love. Love is not just one feeling or emotion or thought, it is made up of so many beautiful things. It is magnificent, beautiful and taking many forms. Hindi ko alam kung ang nagsabi nito ay sadyang in love lang talaga o nasasabi niya lang dahil masaya siya sa current status ng buhay pag-ibig niya. Oo! naramdaman natin na totoo ngang napakahiwaga ng pag-ibig dahil minsan sa buhay natin tayo ay nagmahal at nagmamahal sa kasalukuyan.
Naranasan mo na bang umibig? Ang sarap sa pakiramdam diba? Yung feeling na para kang laging high, laging naka-ngiti, hindi siya mawala sa isip mo kahit inuutusan mo na ang isip mo na tama na muna pero hindi kayang sumunod ng isip mo dahil sinasabi ng puso mo na “sige lang isipin mo lang siya”. Alam mong inlove ka dahil kahit ang layo layo ng bahay niya at out-of-way sayo talagang pupuntahan mo makita lang siya. Kahit sa rest day mo gusto mo ng magpahinga nalang sa bahay at matulog ay mas pipiliin mo pang makasama siya dahil mas sulit ang araw mo kung kasama mo siya. At kahit maghapon magdamag na kayong magkasama ay hindi parin kumpleto dahil sobra mo parin siyang namimiss. Hay pag-ibig nga naman!
Ang sarap ng may minamahal diba? Meron kang inspirasyon na kahit sabunin ka ng boss mo nakangiti kapa rin dahil isang text or tawag lang niya balewala na ang lahat. Love conquers everything, love is capable of overcoming all obstacles such as fear or any other contradicting emotion. Gumagawa kayo ng sarili nyong mundo na kayong dalawa lang ang nakakaintindi kahit sabihin ng ibang tao na wirdo kayo.
Katulad ng huling tanong ko “ang sarap ng may minamahal diba?” Ngayon pag-usapan naman natin yung bagay na ayaw na ayaw ng lahat – Ang masaktan.
Hindi sapat ang salitang “sakit” sa taong nakaranas kung paano ang umibig at masaktan. Kulang ang salitang yan para ipahayag ang sakit at hirap na nararamdaman ng isang taong nawalan ng minamahal. Yung relasyong akala mo perpekto na pero sa huli luha at sakit ang dadalhin sayo. Ngayon hinahanap hanap mo yung mga pangako niya. Yung mga pangakong sa hirap at ginhawa magsasama kayo, yung pangakong kahit anong trials ay magkasama niyong haharapin. Pero lahat ng yan naglahong parang bula. Tinatanong mo sarili mo anong mali sayo? Bakit ka iniwan? Naghahanap ka ng magandang reasons para i-satisfy ang sarili mo na may mali nga sayo. Pero minsan hindi sapat ang dahilang yun dahil alam mo sa sarili mo na nagmahal ka ng sobra. Sabi nila “too much is dangerous” lahat ng sobra nakakasama pero pati ba tong kasabihan na to ay applicable pati sa pag-ibig? Siguro nga tama sila dahil kung nagmamahal ka kailangan mo ring magtira ng pagmamahal para sa sarili mo. Ang daling sabihin diba? pero sa reyalidad ng pag-ibig madalas binibigay mo ang isang daang porsyento ng buhay mo para sa iniibig mo.
Ang hirap isipin na ang taong unang inakala mo na bubuo ng buhay mo at sa huli ay kayo parin ay bigla nalang mawawala. Iniisip mo na sana di nalang siya ang iyong minahal, sana hindi mo nalang siya nakilala at sana hindi kana lang nagmahal. Kaya ang daming tao ngayon ang duwag pumasok sa isang relasyon. Hindi sa hindi pa sila handang magmahal kundi natatakot sila na baka mangyari ang bagay na kinakatakutan nila – ang masaktan.
Love is a many splendored things – mahiwaga, makabuluhan, minsan nakakalito, minsan mahirap intindihin. Ngunit hindi mo mararanasan ang tunay na pagmamahal kung may takot kang tumaya sa isang bagay na alam mong bubuo ng pagkatao mo – Ang magmahal. Huwag kang matakot magmahal at masaktan. Love can overcome the deepest hate.. mends the broken heart, dries away the saltiest tear. Time can heal all the deepest wounds. Kung ang dahilan ng iyong pagkasawi ay pag-ibig alam mong pag-ibig din ang magiging dahilan ng iyong muling pagbangon at magmahal ng muli.
Love. Take a risk. Move on. Love again.