Last week, I joined an essay writing contest as part of the activities for “Buwan ng Wika” but apparently I didn’t win in that said contest. I learned a lot of things after those awesome experience especially in my personal maturity. Although I don’t believe in any competition because I strongly believe that as an individual we are unique in our own ways, we all have our own style and we are all talented with or without any competition. Today I just want to share with you the actual article I made on the day of the competition. The topic given was “Wikang Filipino: Wika ng Pagkakaisa”.
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda kaya ating pagyamaning kusa gaya ng isang inang sa atin ay pinagpala” “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan” – ito ang dalawa sa pinaka tanyag na salitang ibinahagi sa atin ng ating pambansang bayani na si Gat. Dr. Jose Rizal na siyang tumutukoy sa dalawang importanteng aspeto ng bayan – ang kabataan at ang wika. Ngunit sa makabagong henerasyon at sa pabago bagong takbo ng buhay, gaano pa nga ba ka-epektibo at makatotohanan ang mga katagang ito lalong lalo na sa makabagong Juan ng ating henerasyon ngayon?
Alam mong batang 90’s ka kung alam mo ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang text, apple at android sa mas sikat na kahulugan nito ngayon lalong lalo na sa kabataan. Kung dati ang text ay isang uri ng larong papel ngunit ngayon ay uri na ng pagpapadala ng mensahe, ang apple ay isang uri ng prutas lamang ngunit ngayon ay isa ng sikat na kumpanya na distribyutor ng mga makabagong teknolohiya, at kung dati ang android ay isang sikat na karakter sa telebisyon ngunit ngayon ay mas kilala na bilang isang ng uri ng aplikasyon o cellphone.
Napansin mo ba na habang nagbabago ang panahon ay nakakaapekto ito sa ating sariling wika? Kamakailan lamang ay opisyal ng sinama ang salitang “selfie” sa diksyunaryo na ang ibig sabihin ay pagkuha sa sarili gamit ang cellphone. Ito ay isang halimbawa lamang ng mga salitang nauso na kabataan ang nagsimula. Sa paaralan, kung noon sa Elementary, Sekondarya at hanggang Kolehiyo ay kabilang na sa kurikulum ang asignaturang Filipino ngunit ngayon ay may mga paaralan ng pinagdedebatihan pa kung isasama pa nga ba o hindi na ang Filipino sa kanilang kurikulum. Kaya karamihan sa mga kabataan ngayon ay mas hirap pang umintindi sa sariling wika kaysa sa mga banyagang salita. Bilang isang tunay na Pilipino na may mentalidad ng isang dugong Pinoy, nakakaalarma ang mga ganitong pagbabago ng panahon. Darating pa kaya ang mga araw na kilala pa ng mga susunod na henerasyon kung sino sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Josepa Lianes Escoda, Ambrosio Rianzares Bautista, Epifanio Delos Santos, Ninoy Aquino at Cory Aquino o kilala na lamang sila bilang pangalan ng mga sikat na daan at establisyimento?
Bilang isang kabataang Juan, anong maibabahagi mo upang mapaunlad ang dati ng masigla ngunit ngayon ay nanlulumong wika ng ating bansa? Katulad ng tanong ko sa unang bahagi ng sanaysay na ito “Kabataan pa ng ba ang pag-asa ng ating bayan?” Oo ang sagot. Tayo parin ang pag-asa ng panahong ito at sa mga susunod pang henerasyon. Nasa ating pagkakaisa ang ikakasiglang mula ng ating sariling wika. Gising na kabataang Juan ang tayo ng kumilos upang ibalik at paunlarin pang lalo ang ating sariling wika. Buksan ang mga matang bulag sa pagkakaisa.
I personally love this article because I wrote it from the bottom of my heart. I tackled some issues that the youth are facing in this generation. I want to encourage my fellow youth that we should love our own language.
01/27/2015
It requires good writing skills to take part in those competitions. Only few can write really great essays…